Nuffnang Ads

Pages

Sunday, May 5, 2013

IKAW AT AKO ( tatlong mukha)


Ikaw at Ako
Ano  nga ba tayo?
Isang palaisipan na pilit nilang hinuhulaan
Kahit ako maý nais kung matuklasan
Kung ikaw at ako nga baý kahulugan din ng tayo
Pwede ko na nga bang ariin ang puso mo
Sige nanaman at sabihin na 
Ang tulad koý wag ng pahirapan pa


Ikaw at Ako
Asan na nga ba tayo?
Gayong ang landas natin pilit di nagtatagpo
Wari bagang ikaw'y sumasagwan ng paliko
Minsan tayo'y iisa lamang ang hangarin
Ngayon sa tahaki'y ramdam kung nag iisa na din
Asan na nga ba tayo?
Nilalakaran mo pa din ba ang nilalakaran ko?


Ikaw at Ako
Tila ba gang tinutukso
Puso ko'y iba ang may ari 
bat gayong ikaw ang nag hahari
Hindi pwedeng maging tayo iyan ang wika ng isip ko
Ngunit ang damdamiý di kayang tiyakin ito
Ayaw kong padarang sa kapusukan
Ayokong maiwan sa kawalan
Layuan mo ako, tanging hiling ko
Kalayaan kanino yan ang tanong ko?

Ikaw at ako
At iba't ibang mukha nito
Ikaw na lamang ang magturo
Kung alin ka dito

_genskie_


14 comments:

  1. There's an award for you on my blog. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. awww sorry Joe it is tagalog post today, my next will be in English :)

      Delete
  2. wow ha.. ang ganda ng pangalawa ate..

    yung pangatlo parang ansakit kung ikaw na yung nagmamay ari tapos ano.. nyaha! basta : )

    astig ng post mo : )
    +100000 teraytes.

    ReplyDelete
  3. oops dang gulong usapan nya! may pinaghuhugutan to ahh!
    well kaya dapat talaga umpisa pa lang claro na ang lahat ng wala n nahihirapan

    ReplyDelete
  4. wow huh? umaasa much na poet si Miss G oh!

    keri lang umaasa... kung may aasahan.. di ba Miss G?

    ReplyDelete
  5. ang hirap ng sitwasyon na yan genskie.

    ReplyDelete
  6. Parang ang hirap naman umasa kung pati siya ay hindi rin sure kung anu na nga bang status nyong dalawa.../sigh

    ReplyDelete
  7. Ab0t tenga ang ngiti ko habang binabasa ko tong tula mo. Dito palang ohhh ---> Kung ikaw at ako nga baý kahulugan din ng TAYO! may tayo talaga? hehe. Tinamaan ako. Pero dama kita. Ramdam ko ang pinagdadaanan mo. Nakakarelate lang. Sana ang Ikaw at ako ay maging TAYO. hugs! :)

    ReplyDelete
  8. thanks that you allow translation (the majority of it anyway). It is very beautiful, thank you

    ReplyDelete
  9. Very touching poem Genskie:)

    ReplyDelete
  10. Wow husay nito.... Ikaw ba ay medyo gumaganito ngayon? chars lungs :D hihihi.

    ReplyDelete
  11. ganyan talaga, minsan ang daming kailangan linawin..nice poem Genskie! :*

    ReplyDelete
  12. nakakarelate ako dito sa tula.. lalalala

    ReplyDelete

LEAVE ME SOME GOOD LOVIN! <3