Nuffnang Ads

Pages

Saturday, April 13, 2013

PAGLALAKBAY


ang aking isipan ay nag lalakbay
sa dakong paroon ang lugar ay di alam
palayo sa gulo at hirap ng buhay
lugar kung saan di batid ang agam-agam

gusto kung lumipad na parang agila
ariin ang lawak ng himpapawid
ikumpas ang pakpak ng kalayaan
walang iniisip kundi kasiyahan

gusto kung akyatin ang  pinaka mataas na bundok
at masdan ang lahat ng aking paningi'y kayang masakop
damhin ang simoy ng hanging habagat
abutin ang mataas na mga ulap

nais kung tikman ang lahat ng pagkain
maanghang, matamis, maalat maasim
ayoko ng pait sa dila ko'y dumampi
kasarapan lamang ang syang saki'y lalagi

ayokong lakbayin ang dagat ng pighati
ayokong madinig ang iyak ng mga api
minsan na akong nalunod at nadayukdok
pusong inapi di na pasusubok

akin itong makakamit sa piling ni Ama
na syang lumikha ng langit at lupa
sya ang may alam kung kelan ako pupunta
doon sa lugar na kagayganda at  kahalihalina

11 comments:

  1. magandang pagnilayan ang nilalaman ng tula...
    ganyan ang buhay, ganyan ang paglalakbay...kung makararating tayo o hindi, ang Ama lamang ang nakakaalam.

    ReplyDelete
  2. Parang isinusulat mo laman ng puso ko Genskie:)

    By the way, na published ko na ang entry mo sa " Letter To God Contest. Thank you so much:)

    ReplyDelete
  3. Maganda ang iyong tula Binibining Genskie...

    Tulad mo, nais ko rin ang payapang paglalakbay kung saan ako itinakda ng ating Ama!

    Versatile ka! Love it!

    ReplyDelete
  4. Napakaganda naman ng iyong tula Ate Gen. Is something bothering you lately? Feeling ko kasi gusto mong kumawala to something... gusto mo bang takasan pansamantala ang hassle and bustle na buhay sa lungsod?

    ReplyDelete
  5. parang isang pangarap lang ang tula na ito sis ha hehehe pero maganda at parang tugma nga itong tula na ito doon para sa anniversary ng mama ko. wala lang yon ang naisip ko habang nagbabasa ako hehehe

    ReplyDelete
  6. napaka makata ng blogosphere naun ahh!
    nice sarap basahin nakakauplift ng spirit!
    well sa piling ng diyos higit mo pa ang tumama sa lotto

    ReplyDelete
  7. First, sorry kasi ngayon palang pala talaga ako makakapag comment sa blog mo. :(

    Now on with the poem! Isa ka palang makata. Ang galing ng pagkakahabi ng mga salita at ang lalim ng mga nais iparating.

    ReplyDelete
  8. naka-relate ako sa poem mo ate :) ang lalim, at napakadamdamin. hihihihi

    ReplyDelete
  9. Ms. Genskie the Lady Makata! nice poem. Although at first, it seemed to me kind of hedonistic, seeking all the pleasures in life. But then, it's the simple desire of a heart dreaming the ideal life that is being lived to the fullest.

    really like this.

    Lalu na yung desire na maging katulad ng agila. Iba talaga ang mundo kapag nakikita mo ang lahat from an eagle's point of view, at yung magkaroon ng abilidad na makalipad ng mataas na mas mataas pa sa bagyo o bundok at dagat, at mahawakan ang mga ulap.

    Langit lang ang trip! hehehe!

    Nice one!

    ReplyDelete
  10. Ang galing..parang gustong lumipad ng isip ko nung nabasa ko yung tula. Nice one as always!

    ReplyDelete

LEAVE ME SOME GOOD LOVIN! <3