Nuffnang Ads

Pages

Saturday, February 2, 2013

KUBLIHAN

Napansin ko madami na din akong mga kababayan na bumibisita sa blog na ito..
Naisip ko pwede na siguro akong mag sulat ng mga kathang pang Pilipino.
Matagal ko na ding pangarap yun. Dumudugo na din ang ilong ko sa kaka Ingles...
Hindi ko alam kung bebenta ba ito... langawin man o hindi sana magustuhan nyo.


KUBLIHAN


Mananatili akong masaya
Ngingiti, kakanta, basta maligaya
Kahit mahirap sige lang...
Hanggat kaya ko pa...
     -genskie-


Ikaw ano ba ang iyong kublihan...
Ano nga ba ang kublihan?
Kublihan- /kandungan, takbuhan, ampunan/. Sa salitang Ingles /shelter/

Ako ang aking kublihan ay ang pag tawa.
Malamang ang iba sa inyo ay ganito din ang ginagawa.
Nakukuha pang tumawa kahit nasasaktan  ka na.
Ngiti kahit sa loob may pighati.
Ganyan tayo eh. Hindi naman sa nababaliw ka na.
Pero yun lang ang tanging daan para hindi ka iwanan ng katinuan.

Ikaw ano ang iyong Kublihan???

_genskie_




12 comments:

  1. Ang lalim ma'am, nagustuhan ko ito. Naka-relate ako. Ipagpatuloy ate :) hihihi

    ReplyDelete
  2. ganon din ko pagtawa at paggawa ng ibat inbang bagay. makes me forget the pain.

    ReplyDelete
  3. lahat tayo ay may kanya kanyang maskara... tulad mo, isa rin akong masiyahing tao at mahilig tumawa kahit may luha sa puso... haaayyyy


    kakapago din naman kasi ang emo...

    ReplyDelete
  4. well ako din want ko na mag tagalog sa blog ko
    barok barok na ko eeh haha
    anyways ganda ng pagkakasulat mo
    hmm ako? anu nga ba?
    pagtawa din ee kahit bagabag ang isip ko
    tatawa lng ako para walng makapansin

    ReplyDelete
  5. Replies
    1. hahahaha i am sorry Sk...i'm gonna write at least one Tagalog and one English post in a week I guess lol...

      Delete
  6. Yey! Pinoy tayo e.

    Pagngiti at pagtawa rin ang kublihan ko. Syempre si Lord din. Minsan ang blog ko. Sinusulat ko lang :D

    ReplyDelete
  7. gamit na gamit saki nang pagtawa sa kabila ng stress ..

    kublihan ko rin siguro ang pagtawa :)

    ReplyDelete
  8. Hello ^^ musta na? Sa akin naman ganun din ang pag-ngiti.... nakaka smile pa rin ako kahit may pinagdadaanan....

    tumawa kahit nasasaktan.....

    ReplyDelete
  9. ako? gusto kong gumawala kahit saan saan at magtravel in new place. yan yung kublihan ko para di malaman ng mga tao na kahit may emptiness masaya pa rin ako ;-)

    ReplyDelete
  10. ang kublihan ko ay ang aking mga kaibigan :) love this Genskie! :)

    ReplyDelete
  11. Magandang katha - kublihan!
    Nag-isip tuloy ako, ano nga bang kublihan ko? Kapag may mabigat na suliranin, madalas nag-iisa lang. At madalas nag-iisip na rin ako ng iba pang mga bagay na nakapg-uuplift ng aking spirit. Sabagay, isipin ko lang na masaya na ako sa pamilya kahit na minsan ay naghihikahos ay sumasaya na rin ako. Mas marami pa rin ang di gaanong pinalad tulad ng may mga kapansanan at mga nag-iisa sa buhay.

    ReplyDelete

LEAVE ME SOME GOOD LOVIN! <3